Hello hello!! Tagal kong hindi nakapagblog! pano kasi i got busy with school and kitchen plus nawala camera ko so wala akong ganang mag blog kasi wala akong mapost na photos.:( But anyways..eto na ang never ending na kadugtong ng akig buhay pag ibig..i mean ''akala'' koĆ½ pag ibig.
SIXTH LOVE..(Kulong na Pag ibig)
Omg, ito yung pinaka medyo nabaliw din ako..(ng slight) shit share ko ba to? o wag nalang? Medyo sensitive case to eh. Hahaha sige na nga! Pls do not judge me on this one. I'm sure alam naman nating lahat na meron akong project sa isang community..nagtuturo ako about Fashion, Arts and Design chuva eklavu! A private org asked me if i can do it and my uncle asked me too who's friends with these org. At first ayoko muna kasi feeling ko hindi pa ako ready. After months napa oo narin ako sa project..so i volunteered. First visit was nakakatakot, hindi ako makapagsalita kasi natatakot lang ako feeling ko hindi na ako makakalabas ng buhay!.
Isa sa mga onganizers na taga loob, aba may fez! mukhang matalino at malinis. So medyo na excite ako at medyo gumaan loob ko. So sabi ko sige babalik ako at pag iisipan ko kung ano ang pwede kong itulong.. after a week, nakag isip isip ko na whynot nga ba? I think its a great opportunity for me to be able to share my blessing by teaching them. So i did.. Masaya, naiba ang pagtingin ko sa community na ito. Yung takot naiba..naging ''Saya'' at pag ibig sya. Habang tumatagal ako sa pabalikbalik, at nagiging close ako sa mga students ko at sa mga organizers. These guy na sya talaga ang incharge sa project who is super smart, good looking guy medyo nadedevelop na naman ako! eto na naman si cupido..pinana na naman ako, binigyan na naman ako ng sakit sa ulo! haha So syempre nainlove na ang lola nyo! haha masaya akong pabalikbalik sa kanila para mag teach at pagkatapos ko mag teach i would hangout with them, know them more. So feeling ko parang ang gaan gaan nila..mga totoong tao talaga..ibang iba sa mundo ko.
I bring food for all my students and i also bring food for him.. he loves to eat also.. lalo na pasta at callos. eh magaling ako dyan! haha It was nice to see him enjoying the food i cooked..parang kumukutikutitap mata ko palagi pag sinasabi nya how sarap my food is. Hehe That time meron syang girlfriend! pero hindi nama ako inis kasi wala naman akong say.. palagi lang akong excited pag dumadating na ang araw na kung kelan ako pupunta sa kanila..sagrado sa akin ang araw na yan. walang tawag, text or anything. Nainlove ako ng bonggang bongga na naman. Pero ang ending hindi pwede..hindi nya ako pwedeng mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kanya..hayyy KALISUD! We remained friends...until now if i hav the chance we would talk.. Until now umaasa parin ako na sana mahalin mo din ako! Chozz!!!! hahahaha walang kokontra!! blog ko to!!
SEVENTH LOVE...(wala lang ito)
AFAM(foreigner) naman.. gwapo, tangkad para syang anak ng dyos haha nasa boracay ako sa mga panahon na yun..dun ko sya nakilala. Tapos nagkita kami ulit sa makati. I invited him to my bday party and he had fun. Super nice guy. Palagi kaming kumakain sa labas. I like guys na mahilig kumain kasi yan ang buhay ko..kumain haha! Dinala ko sya sa pary ng friend ko sa alabang, tapos on our way back gosh he grabbed my hands tapo hinawakan lang nya hanggang sa dumating kami sa Makati..at feeling ko ang haba haba ng hair ko!!!!!!!!! sabi ko shit this is it!! this is really is it!!!(sabi pa ni ai ai) Super sweet grabe so inshort nainlababo na naman akez ng bongga! walang kapagurang pag ibig ito! fight! So ok naman kami until may kontrabida sa umeksena! Girl! malaki boobs!! eh day, wala akong laban..inaway pa ako ng girl! yun pala jowa din sya ng girl na yun.. kaya ayun nabigo ako sa kanya.. pero wala na sya dito sa manila..Bumalik sa sya sa bansa nya kasi bigo din sya dun sa girl(buti nga) ahahah!
Hindi pa nagtatapos ang aking buhay pag ibig, meron pa.
Abangan......
LOVE AND PEACE
-PUEY-