Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa ako sa bagong batas na ito or maiinis. Matutuwa dahil sa wakas meron ng karapatan mag sampa ng kaso ang mga biktima ng cyber chuva ohlalah!. Sinasabi ko ito dahil sa ako ay naging biktima ng cyber bullying dati at talagang masakit ang husgahan ng mga taong wala naman talagang alam sa totoong dahilan at mga nakikisawsaw lang. That time nag consult ako sa lawyer ko kung ano dapat gawin. Kaso sa time na yun wala pa ang batas na ito. Ang ginawa ko pinasa diyos ko nalang. Wala naman kasi akong magagawa. Iniyak ko nalang ng bonggang bongga! Masakit pero ganun talaga ang buhay. Hindi pwedeng bongga ka lang palagi.
Nagsawalang kibo nalang ako dahil nerespeto ko ang karapatan ng tao na magsalita ng ano mang gusto nila sabihin kahit na nakakababa ng pagkatao ko, nilunok ko yun. Wala ako sinabi against sa mga taong nanglait at nang alipusta sa akin, dahil alam kong karapatan nila magsalita. Ang sa akin lang, malaya tayong magsalita at sana ito ay gamitin para sa tama lamang. Hindi ko masyadong naiindihan ang bagong batas kasi nag nosebleed ako pero sa pagkakaintindi ko basta wala kang gawin sa internet na ikakapahamak ng iba at ikakasakit ng iba siguro dapat hindi tayo mabahala. Ang kalayaan ay katumbas ng kasayahan at kaligayahan. Masaya tayo kung malaya tayong nakapagpapasaya at nakakapagbigay na kapayapaan.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment