Thursday, October 4, 2012

Ang mga Lalaki sa Buhay...(part 1)

Ayyyyy kinikilig ako palagi pag ang usapan ay tungkol sa PAG_IBIG..Matagal ko ng gustong i-share ang aking buhay pag-ibig NOON, NGAYON AT BUKAS (choz!) I was born in February and its a Love month. Kaya siguro palagi akong inlove! Hindi pwedeng hindi ako nagmamahal, para akong may sakit pag walang pag-ibig. Pakiramdam ko kulang and buhay pag walang kang minamahal at walang nag mamahal sayo. Madami na akong minahal na mga lalaki.. Pero hindi ko alam kung minahal din ako. Palaging ang ending is Akala..akalo ko mahal ako, akala ko siya na, akala ko Pag ibig na. Ang ending AKALA lang pala. Hahaha


FIRST LOVE.

 I think High school ako nung maramdaman ko ang kilig, kaba at yung tigidig ng puso. ''Feeling'' inlove na ako sa schoolmate ko nun. He was cute, palaging mabango and very good sa class. He was my mother's student. He was a year higher sa akin. Naging close kami and that time meron syang bike/bicycle and everytime papasok sya dadaanan nya ako sa bahay para sumabay sa kanya. Feeling ko ang ganda ganda ko nun!! Kahit very uncomfortable sumakay sa bike nya dedma lang! Basta makasakay lang ako.


Pero hindi rin nag tagal nainlove sya sa isang girl..at best friend ko pa! Crayola(cry) nalang ang drama ko. Gusto kong sabunutan si girl kaso wala naman akong magagawa. Ang ginawa ko, ako naging tulay sa kanila, para kasama pa din ako sa eksena. haha! Ako yung taga arrange kung saan sila magkikita or kung dadalaw si lalaki sa bahay ng girl ako yung kasama kasi kapit bahay ko lang si girl at friend ko ang mudak at mga sisterets! Kaya boto sila sa menchu kasi alam nila na kaibigan ko at infairness sobrang bait ni mechu. Pero and ending hindi din sila nagkatuloyan. Sayang bagay pa naman sana sila. 


SECOND LOVE.

Syempre diba nabigo ako sa una kong pag ibig? Nabuhay ulit ang puso ko.. college na ako nun. Nainlove na naman ako sa isang kong kababayan din, barkada din namin. Mabait, mabango palagi  at Galing sa OK na family sa amin. Ahead din sya ng isang taon sa akin, pahero din kami ng school. Sobrang nainlove ako sabi ko shit, this is it! Eto na yun! masaya!  palagi syang pumapasyal sa bahay at feeling ko ulit babae ako kasi dinadalaw ako diba? Ganda ko lang! hahaha hanggang sa wala pang ngayayari pero ako naman hindi ko priority yun(choz!! kidlat!!!) willing akong maghintay kasi sabi ko these in unconditional love(leche!) Umalis nalang ako ng samar wala pa ding nangyayari sa amin.

One time nung nasa manila na ako nakapag usap kami na bago pumasok ang year 2000 meron na daw mangyayari sa amin pero nasa manila na ako nun at nasa province sya, So ako naman run to you ako pauwi sa samar bago mag new year! eto na.. that time nag bus lang ako pauwi, may bagyo signal number 1. Pagdating sa matnog, bawal lahat tumawid ang mga ferry boat/roro. dec 30 ito. Sabi ko shit! hindi pwede to!! kailangan ko makatawid!!!hindi ako pwede abutan ng new year sa matnog mag isa! So the very aggressive me, hindi pumayag na hindi ako makaka uwi. Ang ginawa ko, nag nahap ako ng boat na pwede kong rent patawid papuntang samar from matnog. May nakita ako.. sabi ko, manong pwede ba tayong tumawid? Tinanong ko kung gano ba ka delikado tumawid? Sabi ng boat man, dong hindi naman siguro ganun kalakas ang alon kasi hindi mahangin, Maulan lang that time. Kaya sabi ko papayagan ba tayo tumawid? Sabi nya hindi pero lulusot tayo. So ang ginawa namin sa kabila kami sumakay ng boat. Ay day.. nung tumatawid kami sa kalagitnaan parang perfect storm na movie  lang ang drama ng waves!! super laki at dapat 1 1/2 byahe pag tawid sa amin umabot ng apat na oras! sabi ko shit baka ito na huli kong araw! hahaha Pero in fairness umabot naman kami ng buhay. Naloka ang mga tao sa port kasi nakita nila kaming tumawid.. pinagalitan lang naman kami ng coast guard.



So, inshort nakaabot din ako sa sa samar bago mag end ang 1999. Excited ako kasi sabi ko shit this is t!! this is really is it sabi pa ni ai ai! haha Nagkita kami on the 31st.. i was so ready and waiting.. hanggang sa sinabi nya na hindi pa sya ready...:(;(;(;( ay day... para akong namatayan or natalo ng milyon  milyon sa sugal! Wala akong nagawa.. umiyak nalang ako. Bumalik ako sa manila nag bus ulit.. minamalas talaga ako kasi on my way back, yung bus na sinakyan ko biglang nag turn ng mabilis at nauntog ulo ko sa bintana. haha award pag balik ko sa manila meron akong bukol sa ulo na malaki. Award.


Abangan ang susunod na kabanata............


LOVE AND PEACE

-PUEY-

2 comments:

  1. Puey, your posts are never boring! i found myself laughing so hard after a very stressful day at work - just what i needed:-) thanks for sharing...more, more, more!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Puey Quinones: just a thief, an addictive liar- everything is a fantasy end everything a way to rip people off. He can't give up the urge to cheat, to lie, to steal.

      Peter Gregory

      Delete