Sunday, October 14, 2012

A Series of Unfortunate(but funny) Events of Puey Quinones Part 2

Hello! I almost forgot na to write the part 2 of my Unfortunate events..Thiz iz it! part 2.

THE PODIUM

Some years ago, That time i was hanging out pa with my film maker friends.. I used to style music videos kasi. It was fun and that time also i think kakabreak ko lang sa jowa kong afam. One time My film maker friend (now an Editor In Chief of a Vongga mens Magazine) organized a meeting/preprod at the podium, His driver picked me up. I was wearing a COMME des GARCONS Skirt and a layerd T-shirt with turban and a big bayong! I feel chic and unique that day. Pagdating ko sa podium nakita ko friends ko sa starbucks habang papunta na ako sa kanila, may dalawang security guards na humahabol sa akin.. akala ko naman may nahulog ako sa bag or something, Or baka may naiwan ako sa car at tinatawag ako ng driver. Habang papalapit ako ng papalapit sa may starbucks Bigla nalang akong hinawakan sa shoulders ko dalawang guards at sabi, ''Hoy! bawal mamalimos dito!" Tapos hinihila na ako palayo! Syempre naloka ako!! sabi ko wait wait wait!! nag english na ako syempre! And say ko! Excuse me? do i look like a beggar?! (holding my then sony erricson phone) Do you think i can afford these! if beggar ako?! So natigilan sila.. Sabi ko pls call your supervisor.. syempre napahiya ako, ang daming taong nakatingin sa akin..tapos my friends lumapit na sa akin at sinabi na kasama nila ako. Nakita kong namutla yung dalawang security.

Dumating ng supervisor ng security nila. Tinanong kung ano ang problema. Sabi ko(malumanay at sweet voice ko) Boss, mukha ba talaga akong pulubi? Say ng supervisor, Bakit po sir? kasi hinihila nila ako palabas ng mall kasi akala nila pulubi ako. Very apologetic naman the supervisor.. and asked me kung ano gusto kong gawin sa dalawang security guards. But sa halip na magalit ako, i said. Its ok.. sorry from them is ok. I just told them na purket iba manamit ang tao hindi ibig sabihin pulubi na or masamang tao na. Kung may duda kayo make sure lapitan at kausapin muna. Hindi nalang basta basta hihilain. 


Sorry ng sorry yung dalawang guards pati narin the supervisor. Nakakaloka lang pero masaya kung issipin kasi effective pala ang aking outfit haha. 

o0o



ST. JUDE


Dati almost every thursday nagsisimba ako sa st. jude kasama ko my good friends na sila nag invite sa akin mag simba dum. St jude pala is the saint for hopeless cases. I love going to the church aside from sarado catoliko ako, i am also a believer of the power of prayers(chozz!!) But seriously i am. 

That time ang peg ko is Erykah Badu, she is a soul singer, for me she is unique..from voice to her outfits. Kaya sya nag peg ko that time. One thursday, I went went my friends to st jude..the church was full kasi thursday san day ni st jude. Nakipagsiksikan kami tapos may katabi akong mother looking woman tapos pray ako ng pray.. nakatingin lang sa sa akin.. after awhile hindi nya siguro natiis, Tinanong nya ako, ''Hijo do you have leukemia? My son has too.. i will pray for you.'' Ako naman natulala, nagulat secrectly..the i realized i was wearing a turban inside the church! So akala nya na nalalagas ang hair ko kaya naka turban ako! haha nahiya ako kay mother.. at sabi ko ay, hindi po.. nakalimutan ko lang po tanggalin..style ko lang po ito sorry po. But dont worry po i will pray for your son too. And She said sorry but i said no need to say sorry po. My bad kasi i forgot to remove it before going inside the church.

Peace be with you!


Ganito ang turban ko dati.


o0o


GROCERY

Years ago, Run ako ng grocery kasi meron akong party sa gabi. Ikot ako ng ikot, wearing my draped skirt and top, tapos merong mga afam na nagshoshopping din, tingin ng tingin sa akin, sabi ko sa sarili ko(thiz is it!!) Booking ito! nung magbabayad na sa counter, sumusunod sila sa akin.. palapit ng palapit.. ako naman deep inside kinikilig na, hindi lang ako nagpapahalata. Nasa harap ko na silang dalawa. At say, Can we have a picture of you? Are you a monk? Where you from? Napicture naman ako with them.. kunyari hindi ko sila naintindihan hahaha nod nalang ako ng nod! hahaha


Ito yung look ko that day..except the color.



LOVE AND PEACE

-PUEY-



No comments:

Post a Comment